SK Chair Gab Lopez, Kagawad Jesse Granada Napiling Dumalo sa DRAPAC 2025
Barangay Information Office
7/18/20251 min read


Ang Pamahalaang Barangay ng Kanluran Kabubuhayan ay buong pusong bumabati kay SK Chairperson Gabriel Matthew Lopez sa kanyang pagkakapili bilang fellow sa nalalapit na Digital Rights Asia-Pacific Assembly Fellowship Program (DRAPAC25) na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa darating na Agosto 24–29, 2025.
Napili si SK Gab sa ilalim ng espesyal na alokasyon para sa mga youth advocates at members of civil society. Isang malaking karangalan ito hindi lamang sa kanyang personal na adbokasiya, kundi pati na rin sa Barangay Kanluran Kabubuhayan, na kanyang kinakatawan.
Kasama rin sa pagtitipon si Barangay Kagawad Jesse E. Granada bilang opisyal na kalahok sa naturang programa. Ang kanilang pagdalo ay inaasahang magbubunga ng mga bagong kaalaman at karanasan na makatutulong sa patuloy na pagpapaunlad ng serbisyo publiko sa barangay.
Ang DRAPAC Assembly ay isang regional na pagtitipon ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao sa digital na panahon, na nilalahukan ng mga lider mula sa iba’t ibang bahagi ng Asia-Pacific.
Copyright © 2025 Barangay Kanluran Kabubuhayan, Nagcarlan, Laguna. All Rights Reserved.
CONTACT US
24-hr Command Center
Phone: 0951-054-2661
Office of the Punong Barangay
Phone: 0975-406-3239
E-mail: SBKanluranKabubuhayan@gmail.com
Address: Purok 4, Brgy. Kanluran Kabubuhayan, Nagcarlan, Laguna, Philippines 4002
CONNECT WITH US